Fisher pipiliting maglaro laban sa Spurs

INAASAHANG lalaro Lunes (Linggo ng gabi sa Amerika) si Los Angeles Lakers guard Derek Fisher sa kontra NBA’s best team season record San Antonio Spurs kahit hindi pa masyadong magaling ang pilay nito sa siko.

Pipiliting lumaro ni veteran cager Fisher upang dagdagan ang kanilang six-game winning streak sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association (NBA) regular season. Galing naman sa dalawang sunod na panalo ang Spurs.

Napilayan ang five-time NBA champion Fisher sa laban nila kontra Charlotte Bobcats matapos makipag-agawan sa rebound kay Kwame Brown.

Si Fisher ang may hawak ng NBA’s longest active streak in games played matapos makapaglaro ng 476 sunod sa regular season.

Ang San Antonio ang may 52-11 win-loss card sa Western Conference Southwest division habang nangunguna sa WC Pacific division ang Los Angeles na may 44-19 panalo-talo karta.

Samantala, umabot sa tatlong overtime period ang laban ng New Jersey Nets at Toronto Raptors kung saan ay nanaig ang una, 137-136, habang isang extra period ang kinailangan ng Utah Jazz upang paluhurin ang ang Sacramento Kings, 109-102. Sinilo naman ng Portland Trail Blazers at Charlotte Bobcats, 93-69. ED

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply