Fishpond owner kinatay ng tinopak na caretaker

MINALIN, PAMPANGA – Halos magkagutay-gutay ang katawan ng 47-anyos na fishpond owner matapos pagsasaksakin at pagtatagain ng maybahay ng kanyang caretaker na hinihinalang may sira sa ulo Miyerkules ng umaga, Marso 23, sa Brgy. Sto. Rosario.

Ayon sa ulat ni P/Senior Inspector Diosdado Bamba, hepe ng Minalin Police, wala nang buhay nang matagpuan ng mga kaanak sa tabi ng palaisdaan ang biktimang si Roel Magat ng Brgy. San Nicolas.

Agad namang inaresto ng pulisya ang suspek na si Lolita Llanera, 44. Stay-in umano sa Agua-form property ng biktima ang pamilya ng suspek.

Dakong alas-9:00 ng umaga habang abala sa pakikipag-usap sa cellphone ang biktima nang sumulpot sa likuran nito ang ginang at bigla itong inatake ng saksak at taga.

Tumakas umano ang ginang sakay ng bangka ngunit nabigo itong makalayo at agad nasabat ng mga awtoridad. Buddy Arevalo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply