Five straight loss niyakap ng Miami

MAY slot na sa playoffs ang Miami Heat subalit pa rin kuntento ang mga ito lalo na sina LeBron James, Dwyane Wade at ang kanilang coach na si Erik Spoelstra.

“Certainly not easy right now and frankly, we don’t have a lot of answers on how to get over this hump. The only thing we can do is keep on grinding and not let go of the rope,” naiiritang pahayag ni Spoelstra matapos silang matalo sa Portland Trail Blazers, 105-96 sa malapit ng matapos na 2010-11 National Basketball Association regular season.

“These are heartbreaking losses. Guys are putting everything they have into them.” dagdag pa ng coach.

Kahit nagtulong sa opensa sina James at Wade ay kulang pa rin ang enerhiya ng Heat upang maputol ang kanilang losing streak na ngayon ay umabot na sa lima.

“How do we explain it? We can’t,” malungkot na saad ni James na kumamada ng 31 puntos, 11 rebounds at walong assists. “This isn’t rock bottom for us. Crazy thing is, we could lose every game and still make the playoffs in the Eastern Conference.”

Si Wade ang highest pointer sa Heat na may 38 pts. six boards at five assists habang naka pitong puntos lamang si star player Chris Bosh.

Ganunpaman, nananatili pa rin ang kompiyansa ni James magiging maayos ang lahat bago ang playoffs.

“Our confidence level, me and D-Wade’s confidence level being the leaders of the team, won’t go down,” wika ni James.

Si LaMarcus Aldridge ang nanguna sa Blazers matapos tumikada ng 26 puntos, apat na rebounds at isang assist habang 22 at 14 ang nai-ambag nina Gerald Wallace at Andrei Miller ayon sa pagkakasunod.

“We needed that win,” masayang sabi ni Blazers guard Miller. “I tried to bring some energy down the stretch. It could have easily went the other way. It was back and forth a little bit, but we were able to make some big plays.”

Samantala, sinilo ng Los Angeles lakers ang Atlanta Hawks, 101-87 habang tinalo ng Phoenix Suns ang Houston Rockets, 113-110. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply