Five winning streak sinuwag ng Bulls

HINDI naglaro si Bulls star player Carlos Boozer sa laban nila kontra Atlanta Hawks dahil sa injury sa kaliwang bukong-bukong, habang si forward Luol Deng ay naglaro ng may nararamdamang sakit sa kaliwang pigi.

Ang dalawang pambato ng Chicago ay nasaktan nang manalo sa Charlotte Bobcats.

Nagkaroon ng banggaan sina Deng at Bobcats cager Gerald Henderson habang masama ang bagsak ni Boozer sa isang flagrant foul sa kanya ni Kwame Brown.

“He’s much better today, but he still has a long way to go,” patungkol ni coach Tom Thibodeau kay Boozer. “We’ll take a look tomorrow, and we’ll see how he’s feeling.”

Ayon kay Thibodeau maganda ang resulta ng pagpapagaling ni Boozer sinabi niya ito matapos nilang gapusin ang Hawks, 94-76, sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Kuntento naman si Thibodeau sa ipinakitang performance ni Kurt Thomas na pinili niyang kapalit kay Boozer sa starting unit kaysa Taj Gibson.

Kumana si center Thomas ng apat na puntos 13 rebounds at isang assist habang walo ang naisalpak ni Gibson para dalhin ang Bulls sa five winning streak.

Si Derrick Rose pa rin ang nanunuwag ng maraming puntos para sa Bulls matapos itarak ang 34 pts. six boards at five assists upang mas mapaganda ang kanilang team standing na 46-18 win loss card sa Eastern Conference Central Division.

Nag-ambag naman si Deng ng 18 points, nine rebounds at at seven assists.

Tumikada si Joe Johnson ng 16 puntos, apat na rebounds at dalawang assists para sa Hawks habang 15 puntos ang tinulong ni Josh Smith.

Samantala, nasilat ang top team standing sa Eestern conference na Boston Celtics sa Philadelphia 76ers, 86-89 habang patuloy naman na nananalasa sa top spot ng Western Conference ang San Antonio Spurs matapos nilang daigin ang Sacramento Kings, 108-103. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply