FMD, ‘bird flu’ at iba pa, pag-ingatan – DA

NANAWAGAN si Agriculture Secretary Proceso Alcala sa mga opisyal at staff ng Bureau of Animal Industry (BAI) na magpatupad ng mahigpit na bio-security measures laban sa mga sakit ng hayop tulad ng  foot-and-mouth disease (FMD), na nakaaapekto na sa tatlong milyong baka sa South Korea Huwebes, Marso 10.

Anang kalihim, mahigpit ding babantayan ang lahat ng livestock at poultry farms, livestock auction markets, meat processing plants, kasama na ang pansamantalang pahingahan ng mga migratory birds.

Magkakaroon din umano ng quarantine check points sa mga paliparan at pier sa lahat ng panig ng bansa bilang bahagi ng pag-iingat.

Hiniling din ni Alcala sa BAI at iba pang DA livestock agencies na tutukan ang kaligtasan ng pagkain ng karne sa bansa, kasama na ang karne ng itik at manok, na isa sa madalas na kinakain ng mga Pilipino. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply