Football: Barcelona pasok sa quarterfinals

PASOK na sa Champions League quarterfinals ang koponan ng Barcelona ng Spain matapos talunin nito ang Team Arsenal ng London sa iskor na 3-1.

Pinangunahan ng tubong Argentina na si Lionel Messi ang pananalasa sa kalaban.
Umiskor ito ng dalawang goals para sa kanilang panalo na ginanap sa Espanya.

Noong nakaraang taon, si Messi din ang maagang nagpapahinga sa kalabang koponan matapos magtala ito ng apat na goals para makapasok din sa quarterfinals.

Ang kaisa-isang goal ng Arsenal ay nang makapasok si Busquets para makatabla sa iskor ng 1-1 all 53 minuto mula sa laro.

Pinalakas sana ng Arsenal ang kanilang grupo sa pagbabalik ng kanilang dalawang manlalaro mula sa injured list.

Sina Van Persie at team captain Cesc Fabregas ay nakasama sa laro ngunit wala silang gaanong nagawa sa panggapi ng Barcelona. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply