G20 target ng Cyber attack sa France

KINUMPIRA ng French Finance Ministry na nagkaroon ng cyber attack nitong Disyembre 2010 at tinatarget ang mga mahahalagang dokumento ng G20.

Umabot ng 150 sa tinatayang 170,000 mga computers ng French Finance Ministry ang naapektuhan sa naturang pag-atake.

“We noted that a certain amount of the information was redirected to Chinese sites. It is the first attack of this size and scale against the French state,” ayon sa hindi nagpabanggit na French official.

Inaakusahan ng US at iba pang kaalyadong bansa ang China sa panay na pagbili nang ilang trilyong dolyar sa mga foreign reserves para mapapababa ang value ng yuan.

Kapag mababa na umano ang halaga ng yuan, doon na nagkakaroon ng unfair competitive advance sa mga kakompetisyon na bansa sa pangangalakal. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply