Gabriela kinalampag ang Kamara sa RH bill

KINALAMPAG ng militanteng grupong Gabriela ang Kamara na mahigpit na nagsusulong ng kontrobersyal na reproductive health bill Martes ng umaga, Marso 8.

Nag-ingay ang mga miyembro ng nasabing grupo sa Batasan Hill, Commonwealth Avenue.

Ang hinaing ng grupo ay para maaksiyunan na ang mabagal na proseso para maipasa ang naturang batas para sa kapakanan ng kababaihan.

Sinabi ni Gabriela Party-list Representative Emmi de Jesus, nais lamang nilang mabigyan ng access sa Reproductive Health Services ang kababaihan lalo na yung mga mahihirap.

Ipinapanawagan din ng grupo ang pagtataas ng sweldo ng manggagawa dahil anila ay napapanahon na upang mabigayan ng umento ang mga oberero.

Ito ay bunsod na rin ng pagtaas ng mga bilihin na dapat ay maisakatuparan na sa lalong madaling panahon.

Kaugnay nito, nananawagan din ang Gabriela na sana ay mapansin ng gobyerno ang mga panukalang batas na isinusulong nila para sa kapakanan ng manggagawang Pinoy.

Samantala, inupakan ng Gabriela ang pagpalag ng mga employer sa naturang usapin ng wage increase.

Matatandaang inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa National Capital Region ang bagong wage increase bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahin bilihin at pasahe dahil sa sunod-sunod na oil price hike. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply