Gadgets sa pangungumpisal ‘di pwede

BAMAGAT patuloy ang pag-unlad ng teknolohiya, hindi pa rin pabor ang Simbahang Katoliko sa paggamit ng ‘high-tech gadgets,’  tulad ng mobile phone na may video call at electronic mail, sa pangungumpisal o pagtanggap ng sacrament of Reconciliation.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, kahit na marami nang makabagong kagamitan ang nakakatulong upang mapadali ang gawain ng mga tao,  marami pa ring mga gawain ang kailangang isagawa sa tradisyunal na pamamaraan, at isa na rito ang pangungumpisal.

Iginiit ni Bastes na walang anumang high-tech technology ang maaaring makapalit sa ‘intimacy’ ng confession, sa pagitan ng pari at ng taong nangungumpisal.

Dagdag pa ng Obispo, mismong ang Vatican na ang nagpalabas ng pahayag na ang pangungumpisal ay kailangang gawin nang personal.

“No confessions can be made through mobile phones with video call capabilities and electronic mail because absolution is given by confessor to the penitent in person,” ani Bastes sa panayam ng CBCP Online Radio.

Nauna rito, noong nakaraang buwan, nagpalabas ng kalatas ang Vatican at sinabing ang iPhone application na ginagamit sa confession preparation ay hindi substitute o pamalit sa personal na pag-uusap sa pagitan ng pari at ng taong nangungumpisal. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply