Gadhafi binigyan ng 72-oras para lisanin ang puwesto

BINIGYAN na ng oposisyon ng 72 oras na ultimatum upang bumaba sa puwesto si Libyan Leader Mommar Gadhafi.

Taliwas dito, tila hindi natitinag si Gadhafi sa ibinigay na ultimatum ng oposisyon na nakabase sa Benghazi, bagkus ay nakatakda pa itong humarap sa mamamahayag ngayong umaga.

Abala ngayon si Gadhafi sa isang hotel sa Tripoli upang magdaos ng isang press conference na isasahimpapawid ano mang oras simula ngayon.

Kasabay nito, itinanggi rin ng oposisyon na nakikipagnegosasyon si Gadhafi sa kanila para sa pagbaba nito sa puwesto. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply