Gag rule sa impeachment ibinasura

IBINASURA ng Senado ang panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na magpatupad ng gag order sa lahat ng senator-judge na makipag-usap sa sinuman sa pamamagitan ng texting at chatting sa lahat ng social internet sites bilang bahagi ng Rules of Procedures na gagamitin sa paglilitis kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sa interview, sinabi ni  Senate President Juan Ponce Enrile na hindi na isinama ang naturang panukala sa Rules of Procedures sa halip inatasan ang bawat senador na magdesisyon kung ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon.

Aniya, pinapayagan din ang sinumang senator-judge na magpa-interview sa media bago magsimula o pagkatapos ng paglilitis, at hindi habang nasa panahon ng paglilitis, at hindi maaaring talakayin ang merito ng kaso.

“They can accept interviews but not during the proceedings but we cautioned them not to discuss the merits of the case,” dagdag ni Enrile.

Hindi rin umano isinama ang panukala na ipagbawal sa bawat senador na gumamit ng Tweeter, Facebook o anumang social networking sites.  “ We did not include that (banning twit, facebook or text). We will leave it to the individual senators.”

Ipinaliwanag pa ni Enrile na babasahin at tatalakayin muna ang lahat ng Articles of Impeachment bago magsagawa ng paghahatol base sa ebidensiya at testigong ihaharap ng prosecution panel.

Kasabay nito, pinayagan naman ng Senado si Enrile na magpalabas ng kaukulang alituntunin hinggil sa anumang bagay na ipinagbabawal sa loob ng session hall. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply