Gantimpala sa pagdakip sa Somera killer: P450K

DINAGDAGAN ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel ng P250,000 ang P200,000 reward sa makatutulong sa pagdakip sa pumatay kay Maria Len Flores-Somera, isang broadcast journalist, noong isang linggo.

Ito ang alok ni Noel bilang suporta umano sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagdakip sa lalong madaling panahon ng pumatay kay Somera.

“I will give all the necessary support to resolve this crime immediately and will enjoin efforts to strengthen the crusade for peace in Malabon,” sabi pa ni Noel.

Dahil dito, umaabot na sa P400,000 ang pabuya upang lumutang ang mga nakasaksi sa pagpatay kay Somera.

Nauna rito ay nagbigay ng P50,000 ang National Press Club (NPC) at Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag, na sinundan ng P100,000 ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa pangunguna ni Malabon City Mayor Canuto Oreta.

Kasunod nito ay nag-alok pa ng dagdag na P50,000 ang Northern Police District (NPD)

Umaasa si Noel na sa iisang pagkilos na ito ng mga awtoridad ay, “we can capture the perpetrators and ensure that Somera’s death was not in vain.”

Si Noel ay isa ring journalism graduate at aniya’y bilang isang babae at ina ay sinasaluduhan niya ang mga naging kontribusyon si Somera sa komunidad sa pamamagitan ng pagtupad niya sa tungkulin bilang mamamahayag. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply