Garcia dapat tuluyan ng susunod na Ombudsman

BAGAMAT hindi pa tuluyang nasisibak sa tungkulin si Ombudsman Merciditas Gutierez, ngayon pa lang ay iginigiit na ng Senate Blue Ribbon Committee na dapat ipagpatuloy ng susunod na Ombudsman ang kasong pandarambong laban kay Major Carlos Garcia.

Nakapaloob din ito sa mga rekomendasyon ng Komite makaraang lumabas sa kanilang imbestigasyon na iligal ang plea bargain deal ni Garcia at ng Ombudsman at hindi dumaan sa tamang proseso.

Bukod pa rito, wala rin aniyang magigign pakinabang ang pamahalaan at ang taumbayan sa kontrobersyal na kasunduan dahil lugi pa nga ang Sambayanang Filipino.

Tahasan na ring sinabi ng Blue Ribbon Committee na ang plea bargain agreement ay ayusan na ang nakinabang lamang ay ang akusado sa pandarambong.

Dahil dito, kung paninindigan pa rin ng kasalukuyang nanganganib na Ombudsman ang mababang kasong direct bribery ni Garcia, ngayon pa lang ay inirerekomenda na ng komite sa magiging bagong Ombudsman na ipagpatuloy ang plunder case laban sa heneral. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply