Garcia, mag-asawang Ligot kinasuhan na BIR

SINAMPAHAN na ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina retired Major Gen. Carlos Garcia, misis na si Clarita Garcia, ret. Lt. Gen. Jacinto Ligot, asawa na si Erlinda-Yambao-Ligot at kanyang kapatid na Edgardo Tecson Yambao.

Aabot sa P235 milyon buwis ang hinahabol ng BIR sa mag-asawang Garcia dahil sa hindi nila paghahain ng income tax return noong taong 2004.

Mahigit P428 milyon buwis naman ang sinisingil ng BIR sa mag-asawang Ligot, dahil nabigo si General Ligot  na maghain ng income tax return noong 2001, habang ang asawa nito na si Erlinda ay hindi nag-file ng income tax return mula 2001 hanggang 2004.

Samantala, mahigit P285 milyon buwis naman ang hinahabol ng BIR kay Edgardo Yambao dahil sa hindi pagpa-file ng ITR para sa taong 1999, gayundin mula 2001 hanggang 2005.

Ginamit na batayan ng BIR ang mga malalaking halaga ng property at mga deposito sa bangko ng respondents sa mga taon na wala naman silang idineklarang kinita at wala ring binayarang buwis. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply