Gatas ng kalabaw palit sa gatas ng ina

MAGIGING malusog at matalino ang batang umiinom ng gatas ng kalabaw, ito ang pahayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Ani Alcala, ang gatas ng kalabaw ay maaaring pamalit sa gatas ng ina at isa ito sa mga dahilan kaya itinutulak nila ang carabao-based dairy industry sa Central Luzon—-para magkaroon ng sapat na suplay ng gatas para sa mga sanggol at batang papalaki.

Aniya, umaabot na sa 204 dairy farmers ang nag-aalaga ng kalabaw at baka para gatasan.

Umaabot naman sa 2,000 ulo ang mga kalabaw at bakang may mahalagang component para sa pangkalahatang national carabao genetic improvement program ang inaasahang magbibigay ng gatas sa mga susunod na buwan.

Umaabot sa 734 pure breed buffaloes naman ang pinakawalan sa Nueva Ecija, at 740 pa ang idinadaan sa qualifying process na ipinatutupad ng Philippine Carabao Center.

Ani Alcala, kung matutugunan ng nasabing mga kalabaw ang pangangailangan sa gatas ng bansa ay magkakaroon tayo ng malulusog at matatalinong susunod na henerasyon. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply