Gems, Cultivators target ang liderato

HAHABOL sa 2-0 slate ang alinman sa Cebuana Lhuilliers o FCA sa nakapahingang Cobra Energy Drinks sa banggan nila ngayong alas-kwatro ng hapon, Marso 31 sa San Juan gym.

Ang PBA D-League Foundation Cup na nasa pangatlong linggong bakbakan ng 13 koponan na hinati sa dalawang pangkat na pito at anim ay pinangungunahan ng Cobra Energy Drinks (2-0).

Nangangamba si Gems coach Luigi Trillo na tumatayo ring assistant coach sa isang PBA team laban sa Cultivators trio ni coach Arsemio Dysangco na sina Alfred Gerilla, Alex Mallari at Raffy Reyes na magbibigay ng magandang laban sa koponan nila dahil ang team na makakalaban ay establisado na bukod sa mahusay na bench tactician.

Magbabanggaan naman ang RnW Pacific Pipes at paboritong NLEX Road Warriors sa unanag laro na kapwa tangan ang 1-1 record. Si Boyet Fernandez ang tumatangan sa Pacific Pipes habang ang neophyte na si Topex Robinson ang gumagabay sa NLEX Road Warriors. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply