Gimik batian nina Cristine Reyes, Sarah Geronimo, dinedma

TIGILAN at tantanan na raw itong si Pop Princess Sarah Geronim o sa patuloy na pagtira sa kanya na gimik lang ang pakikipagbati nito sa kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes.

Wala naman daw siyang magagawa kung ayaw maniwala ng kanyang dectrators na patuloy at nagpipilit na nagsasabing gimik lang ang pag-aayos ng nagkaalitang sina Sarah at Cristine dahil may movie ang huli.

Para sa kampo ni Sarah maniwala o hindi man ang iba diyan ay tunay at wagas ang pagbabati nila ni Cristine at hindi daw ito gimik.

At nagkataon lang daw na may movie na ipapalabas itong si Sarah sa kanyang pakikipag-ayos dito kay Cristine.

Kaya inisip ng iba na promotion lang para sa movie niya with Gerald Anderson at kung iniisip daw ng dectractors ni Sarah na gimik lang ang pagbabati nila ni Cristine.

Bahala na daw sila, ang alam ng Pop Princess ay true ang pakikipagbati niya kay Cristine at wala naman siyang magagawa kung ayaw maniwala ang iba.

At ayon kay Sarah, hindi naman daw lahat ay mape-please siya.

Basta ngayon daw ay talagang bating-bati na ang dalawa.

At nagpapasalamat naman ang kampo ni Sarah sa paghataw ng pelikula nitong “Catch Me I’m In Love” with Gerald.

‘Yun na!

*****

Kim Chiu gusto ding mag-aral ng culinary arts

HINDI na nga mapipigil pa ang pagpasok at pag e-enrol ni Kim Chiu sa kolehiyo dahil graduate na rin ito sa high school.

At ang tsika ng aming katkaterang ibon ay may plano itong mag-aral ng culinary arts dahil nakakahiligan din daw nito ang pagluluto.

At need naman daw niya ito dahil may dream pala ang bagets actress na magkaroon ng negosyo na may kinalaman sa pagkain.

Kaya naman exciting na si Kim sa pinaplano nitong mag aral din ng culinary tulad din nina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Kaya naman hindi din papahuli ang kyuti kyut kyut na si Kim na mag-aral muna ng culinary.

Tuloy pa rin ang kanyang pag-e-enrol sa isang four years course sa college pero uunahin daw muna nitong mag-aral ng culinary ayon pa sa aming tsismosang kapitbahay.

Alam naman ni Kim na hindi stable ang pag-aartista kaya pinaghahandaan niya ang kanyang future. Alam niya na hindi forever na nandito siya sa showbiz.

Yun na! Jovi Lloza

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply