Gin Kings simula nang umarangkada

SUSUNDAN ng Ginebra San Miguel ang ikalawang panalo sa PBA Commissioners Cup sa pagharap sa kumukulapsong Air21 Express sa Araneta Coliseum sa Miyekules.

Layunin ng Gins na umangat sa 10-team standing ng maiksing 2011 PBA Cup.

Huling pinasadsad ng Barangay Ginebra ang Powerade Tigers 107-92 sa pagtatala ng 2-2 win loss slate tungo sa pagpasok sa top 10 ng team para mapabilang sa quarterfinal round.

Babawi naman ang San Miguel Beer laban sa Powerade Tigers para mapanatiling humahabol sa quarterfinals kasunod ng kalunos-lunos na pagkakadurog laban sa Smart-Gilas Nationals, 68-109 noong Sabado ng gabi sa Filoil Flying V Arena. Tangan ng Beer ang 1-3 slate habang ang Powerade ay nakabitin sa buntot ng standings sa 1 win 4 loses na bahagyang angat sa bokya pang Meralco Bolts.

Nakaungos ang Smart-Gilas Pilipinas ng isang panalo (4-0) sa Rain or Shine Elasto Painters (3-0) na kasalukuyang lumalaban kontra tropang Texters (3-1) kasunod ng bakbakang  Alaska Aces na tangan ang (3-1). Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply