Ginagawang condo unit naabo

AABOT sa kalahating milyong piso ang naabo sa isang sunog na tumupok sa ginagawang condo unit sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City Sabado ng umaga, Marso 26.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Quezon City, naganap ang sunog dakong 9:54 ng umaga.

Sinabi ni SFO2 Jose Mauricio, radio operator ng BFP, tinupok umano ng apoy ang ika-limang palapag ng nasabing condo unit.

Nagmula umano ang sunog mula sa natapunang acetylene na mga tambak ng mga kahoy at styrofoam sa ginagawang gusali.

Umabot sa fourth alarm ang naturang sunog at idineklarang na-fire out dakong 10:21 ng umaga. Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog na tumagal ng may 27 minuto. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply