Ginang arestado sa estafa ng P1.3M galing sa 36 bakasyunista

ARESTADO naman ang isang 47-anyos na estapadora matapos itong ireklamo ng kanyang kumpare sa pangongolekta ng pera na umabot sa halagang P1.3 milyon kapalit ng hotel accomodation and round trip ticket patungong Boracay sa isinagawang entrapment operation Sabado ng hapon sa Malate, Manila.

NAKATENGGA ngayon sa Boracay at naghahangad na makabalik na ng Maynila matapos silang lokohin ng isang estapadora na hindi inasikaso ang kanilang round-trip ticket at 3-day hotel accomodation.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang suspek na si Dionicita Duaman, 47,residente ng 233 D Tirso Cruz St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ito ay bunsod na rin ng reklamo ni Aristole Mina, 50, may-asawa, call center trainor, ng 24 Sumakwal St., Urduja Village, Deparo, Caloocan City.

Sa report ni PO3 Arvin Calob, dakong alas-kuwatro ng hapon nang arestuhin nina SPO1 John Cayetano at PO1 Marlon Annonuevo si Duaman sa loob ng Mini Stop sa ground floor ng Legaspi Tower sa Vito Cruz, Roxas Blvd.,Malate, Maynila sa isinagawang entrapment operation.

Ayon kay Carl Owen de Chavez, isa umano sa kanyang ka-officemate na si Lady Ann Buguina, call center agent ng Teleperformance Call Center sa Mandaluyong City, ay hindi ngayon alam kung paano makababalik ng Maynila mula sa Boracay dahil ang ipinangakong 3 days accomodation sa kanila ay lumabas na 1 araw lamang ang nakabook sa hotel at wala ring ticket pabalik ng Maynila.

“Wala akong alam diyan, na-frame up lang ako”, matipid namang pahayag ni Duaman.

Ayon pa kay Chavez, nabatid mula kay Buguina na may 36 na bakasyunista ang nakatengga ngayon sa Boracay at naghihintay ng ticket pabalik ng Maynila dahil hindi umano nasunod ang pinag-usapang round trip ticket at 3-day hotel accomodations ng mga ito.

Nabatid na nakikipagtransakyon umano si Mina sa mga bakasyunista na gustong magtungo sa Boracay kung saan hinihingan nila ng pera bilang kapalit ng round trip ticket at hotel accomodations ng mga biktima.

Ang mga perang nakokolekta umano ni Mina ay ibinibigay naman sa suspek para ideposito sa bangko.

Dahil dito, isa-isang nagreklamo ang kaanak at kaibigan ng mga biktima kay Mina na kasama ng suspek sa nasabing transakyon kung saan dumulog naman ito sa MPD-GAS upang matunton at maaresto ang suspek.

Sa pamamagitan ng isinagawang entrapment operation ay nakipagkita si Mina sa suspek sa nasabing lugar at nang maiabot ng una ang halagang P3,000 marked money, agad na itong inaresto ng mga awtoridad.

Nakatakdang isailalim sa inquest procedure ang suspek sa Manila Prosecutors Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply