Ginang binaril sa MRT station

KRITIKAL ang 50-anyos na babae matapos barilin sa ulo ng dalawang lalaki na nag-aabang sa kanyang paglabas sa Metro Rail Transit Station sa Mandaluyong City, Martes ng umaga.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang biktima na si Vicitacion Alfrejo, ng Unit 114, Diamond Residences, #8 Mariveles St., Brgy. Highway Hills, nasabing lungsod.

Kaswal namang naglakad palayo sa lugar ng insidente ang dalawang hindi nakilalang salarin.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:25 ng umaga kanina, Marso 15 sa hagdanan ng MRT Boni Station sa Sultan St. Brgy. Highway Hills, Mandaluyong.

Kalalabas lamang ng biktima sa MRT nang lapitan ng dalawang salarin saka agad na pinaputukan sa ulo.

Ayon sa mga saksi, ilang oras din nilang nakitang nakatambay sa lugar ang dalawang armadong lalaki at nang lumabas ang biktima ay agad nilang pinuntiryang binaril.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para mabatid kung ano ang motibo sa pamamaril. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply