Ginang guilty sa pagpatay sa 3 anak

INAMIN ng isang nanay ang pagpatay sa kanyang tatlong anak sa kanilang tahanan.

Naghain ng guilty plea si Theresa Riggi, 47, ng Edinburgh, Scotland sa kanyang pagpatay sa kanyang walong taong gulang na kambal na anak na sina Austin at Gianluca at ang kanyang limang taong babaing anak na si Cecilia noong Agosto 4, 2010.

Natagpuan ang mga labi ng mga bata sa kanilang bahay na tadtad ng saksak sa katawan matapos na may naiulat na pagsabog sa bahay.

Naganap ang karumal-dumal na krimen 48 oras makaraang magkaroon ng pag-uusap ang naturang ginang at ang kanyang asawa na si Pasquale Riggi.
Ayon sa ama ng mga biktima, nagkausap pa sila ng ginang at sinabi nitong gusto niyang makuha ang tatlong anak. Sumagot umano si Theresa ng “Say goodbye then” at tuluyang
ibinababa na ang telepono.

“The loss of my three beautiful children has been an overwhelming tragedy. Nothing can be said at this or any other time which can mitigate what has happened”, ayon sa pagdadalamhati ni Pasquale. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply