Ginang na nagreklamo sa droga tinadtad ng saksak, ibinaon sa lupa

KARUMALDUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang ginang na nagtangkang makialam sa isyu ng droga sa kanilang lugar matapos na tadtarin ng saksak at ibaon sa gilid ng ilog sa Marikina City.

Ang biktima na basag ang bungo at tadtad ng saksak ay nakilala sa pangalang Maria Lauresca, alyas “Fatima” at “Susan,” residente ng Singkamas St., Brgy. Tumana ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang mahukay ang bangkay sa Marikina river banks sa Brgy. Tumana, Marikina City.

Nabatid na isang tawag mula sa babae na ayaw mag-pakilala ang nagbigay ng impormasyon sa Marikina PNP kaugnay ng krimen.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hanggang sa matukoy ang ginawang libingan at natunton ang naaagnas na bangkay ng biktima na nasa halos tatlong talampakan lamang ang lalim.

Ang biktima ay nakasuot ng green na short at green na damit at may mga palatandaan na dumanas ng matinding pahirap bago pinatay.

Lumitaw sa imbestigasyon na huling nakitang buhay ang biktima nang magreklamo ito sa tanggapan ng Brgy. Tumana kaugnay ng mga kalalakihan na humahanting sa kanya dahil sa pagsusumbong niya hinggil umano sa transaksyon ng iligal na droga sa kanilang lugar. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply