Ginang natangayan ng P.2M

UMAABOT sa halagang P.2 milyon ang natangay sa isang 38-anyos na ginang matapos holdapin ng riding-in-trio sa Malate, Maynila Biyernes ng gabi.

Nakilala  ang biktima na si Mary Ann Villarico, vendor ng 2460-I  Camachili St.,Singalong, Maynila.

Ayon kay C/Insp. Arturo Paras, hepe ng MPD-Theft and Robbery Section, dakong alas 10:20 ng gabi nang maholdap ang biktima sa kahabaan ng Arellano at Camachili St., Singalong, Malate,Maynila.

Nabatid na naglalakad umano sa lugar ang biktima dahil mamimili ito ng kanyang paninda nang hintuan siya ng  tatlong lalaki na riding-in-trio” sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Agad siyang tinutukan ngdi mabatid na kalibre ng baril at kutsilyo saka dali-daling nilimas ang dala-dala nitong pera na nagkakahalaga  ng P190,000 cash at City State Check na may katumbas na P20,000.

Patuloy ang isinasagawang follow up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng mga holdaper. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply