Gitgitang laban inaasahan sa George Stribling race

MULING dudumugin ng mga racing aficionados ang karerahan maging ang mga off-track betting station upang saksihan ang George Y. Stribling Trophy race na gaganapin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite Linggo, Marso 6.

Ang nasabing tampok na karera ay para sa benepisyo ng Medical Social Service sa V. Luna Hospital. Ang mananalong kabayo ay tatanggap ng P180,000.

Sina Benny Good Man, Life Time at Kick The Can ang napipisil ng mga karera tipster na aalagwa ng benta sa daily double sales.

“Mahirap na karera ‘yan may kaguluhan kasi kahit limang kabayo ang kunin mo para sa WTA eh hindi pa rin nakasisiguro, balanseng balanse kasi ‘yung line up nila.” paliwanag ni horse trainer Nick Atienza.

Ang ibang kalahok ay sina Sir Ferdinand, Tabelle, couple entring Fargo at Boss General, Olajuwon, Airway, Comitatus at ang batang si Life Is Beautiful.

May nakalaan din na trophies sa winning owner, trainer at jockey na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) habang ang distansyang tatakbuhin ay 1,300 meter race.

Samantala, nakatakda rin largahan ngayon ang Off-Track Betting Stations Association of the Philippines trophy race kung saan siyam na kabayo ang kalahok. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply