Giyera sa Libya vs gutom sa Pinas

MAIIYAK ka, Suki, sa nagaganap sa ating mga overseas Filipino worker sa ibang bansa.

Por eksampol ang mga nasa Libya.

Mayroon pang nasa 10,000 OFW sa bansang ito na pawang mga doktor, nars, kergiber, indyinir at iba pang mga propesyonal.

Sa ngayon, pinauuwi na sila ng mga onorabol.

Pero alam ba ninyo na kokonti lamang ang nagpapalista para umuwi?

Op kors, andiyan ang rason na delikado ang mga kalsada at walang nakatitiyak kung mabubuhay sila habang nagbibiyahe dahil sa tindi ng mga labanan at bombahan.

Pero namamayani sa nakararami ang nakaiiyak na kalagayan.

oOo

Simple lamang ang mensahe, Suki.

Nakararami ang ayaw umuwi dahil kagutuman at kahirapan ang kanilang madadatnan sa repablik ni Juan.

Sa Libya, nakatitiyak sila ng mas magandang kalagayan, ikamamatay man nila ang paninirahan at paghahanapbuhay doon.

Isinasakripisyo nila ang kanilang buhay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa kani-kanilang mga pamilya sa atin.

Napakasakit na mukha ng buhay ito na siyang tinataglay ng nakararaming OFW.

oOo

Sa pangyayaring ito, dapat na mag-isip-isip nang husto ang mga onorabol

Ang pamahalaang PNoy lalo na, kahit araw-araw itong sumisigaw ukol sa pagbabago, hindi pa rin ito nararamdaman ni Juan.

Pabigat nang pabigat pa nga ang kanyang nararamdaman dahil sa pagmamahal ng langis, pagkain, bilihin, tubig, kuryente, gamot, ospital, punerarya at iba pa.

Panahon nang  magtanim ang mga onorabol ng mararamdaman ni Juan na kabutihan at hindi kapabayaan at pagpapahirap.

Kilos na! Naw na! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply