Globe nagbaba ng singil sa text at tawag

SA kabila ng patuloy na pagsirit ng presyo ng iba’t ibang pangunahing bilihin sa bansa kabilang na ang presyo ng petrolyo ay  inihayag naman ng Globe Telecom ang magandang balita hinggil sa pagbaba nila ng singil sa tawag at text sa kanilang subscribers.

Sa ginanap na MOA signing ng Globe at Puregold sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City kahapon ay sinabi ni Ferds dela Cruz, Consumer Sales Group Head ng Globe na nagbaba sila ng 50 percent sa bawat tawag habang 33 percent naman sa text.

Ayon kay dela Cruz, mula sa dating P0.10 per second o P6 per minute ay ginawa na lamang nilang P0.05 per second o P3 per minute sa bawat tawag habang sa text ay mula sa dating P0.75 ay ibinagsak na lamang sa P0.50 per text sa Globe to Globe at TM subscriber partikular ang card holders ng Aling Puring Super Suki SIM card. Jhie Convocar

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply