GMA uulanin ng kaso pag napatalsik si Merci

NAKATITIYAK si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na “babagyuhin” ng kaso si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kabilang ang kaanak, kaalyado at dating opisyal sakaling mapatalsik si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Cayetano, nakatanggap siya ng tiyak na impormasyon na kasado na ang lahat ng kasong isasampa laban kay Arroyo at dating opisyal ng nagdaang administrasyon, ngunit hinihintay na lamang na mapatalsik si Gutierrez.

“Hinihintay na lamang na mawala sa puwesto si Ombudsman Gutierrez dahil mababalewala ang anumang kasong ihahain sa Ombudsman kung nananatili pa sa puwesto ang naturang kaalyado ng dating pangulo,” paliwanag ni Cayetano.

Hindi binanggit ng senador kung kasama si Rep. Arroyo sa kasong isasampa sa nagmanipula ng $329M NBN-ZTE scam, P728M fertilizer scam, at iba pang anomalyang gumimbal sa bansa noong nakaraang administrasyon.

“I heard na marami na silang anomaly na nalaman pero hindi nila ipa-file hangga’t  si Merceditas Gutierrez pa ang Ombudsman,” paglalahad ng senador.

Iginiit naman ni Cayetano na imbes na hintaying  mapatalsik sa puwesto si Ombudsman Gutierrez, dapat simulan na ng administrasyong Aquino ang pagpapalakas ng ebidensiya laban sa mga taong nangurakot sa pondo ng bayan.

Sa Mayo 9 na sisimulan ang impeachment trial kay Ombudsman Gutierrez pero wala pang linaw kung makukuha ang 2/3 votes para matanggal sa puwesto ang Ombudsman.

May anim na kaso ang inihain ng Kamara de Representantes laban kay Ombudsman Gutierrez kung saan kailangang maabswelto sa anim na kaso para manatili sa puwesto.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply