‘Go Green Philippines’ inilunsad ni PNoy

INILUNSAD ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang National Greening Program (NGP) o ang kampanya para sa luntiang kalikasan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanim ng may 1.5-bilyon na punong-kahoy bago matapos ang kanyang termino sa taong 2016.

Bagamat kilala si Pangulong Aquino sa kulay yellow ay pagpapalaganap ng kulay green sa buong bansa ang target ng gobyerno sa pagtatanim ng mga bagong puno, na nakasaad sa ipinalabas na Executive Order (EO) No. 26 ng Malakanyang.

“Through Executive Order No. 26, President Aquino ordered the implementation of a National Greening Program (NGP) as a government priority that will plant trees in up to 1.5 million hectares in the following lands: forestlands, mangrove and protected areas, ancestral domains, civil and military reservations, urban areas under the greening plan of local government units, inactive and abandoned mine sites, and other suitable lands,” ayon sa Office of the Presidential Spokesperson.

Ang mga nabanggit na nasasakupang lupain ay kikilalanin ng Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR) at ng Environment and Natural Resources Convergence Initiative (ENRCI).

Bahagi rin ng NGP Steering Committee ang Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Higher Education (CHED).

At upang matiyak na tagumpay ang naturang kampanyang pang-kalikasan ng administrasyong Aquino ay gagamit ng mga estratihiya ang NGP katulad ng pag-obliga ang lahat ng estudyante at mga kawani ng gobyerno na magtanim ang bawat isa ng pinaka-mababang bilang na 10 seedlings kada taon.

Bahagi rin ng plano na pag-isahin ang NGP sa mga kasalukuyang programa sa tree planting tulad ng Upland Development Program, Luntiang Pilipinas at mga katulad na proyekto mula sa pribadong sektor at ng pamahalaan.

Itinatakda rin ng EO No. 26 ang pagkakaloob ng insentibo para sa mga komunidad na isa-iilalim sa NGP at itinakda ang mga naturang lugar bilang prayoridad na makatatanggap ng programang Conditional CashTransfer (CCT) ng DSWD sa pag-sugpo sa kahirapan sa bansa. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply