Gov’t agencies inalerto sa posibleng nuclear meltdown sa Japan

INALERTO na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na tututok sa posibleng epekto sa Pilipinas ng bantang nuclear meltdown sa Fukushima, Japan kasunod ng naganap na intensity 9 earthquake at sinundan ng 10-meter tsunami nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay NDRRMC executive officer at Office of Civil Defense Administrator Bgen Benito Ramos na sa kasalukuyan ay very remote at wala pang immediate danger mula sa radioactive plums o singaw sa nasabing nuclear plant ng Japan na nagbabantang magkaroon ng nuclear leak.

Nabatid na unang maapektuhan sakaling magkaroon ng meltdown o kaya ay nuclear leak ang hangin at maaring tangayin ito papunta sa mga kalapit na bansa at pangunahing maapektuhan bukod sa mga tao ang supply ng tubig at mga pagkain lalo na iyong inaaangkat sa nasabing bansa.

Ayon kay Ramos, pinulong niya ang mga kinatawan mula  Philippine Nuclear Research Institute, Department of Science and Technology, PAGASA at Department of Health para talakayin ang mga contingency plans kaugnay sa maaring epekto sa Pilipinas ng nuclear emergency sa Fukushima, Japan dahil sa sirang inabot ng cooling system ng kanilang nuclear plant

Inihayag pa ni Ramos na sakaling lumubha ang sitwasyon sa Japan at maapektuhan ang bansa ay agad na papakilusin ng NDRRMC ang existing national radiological emergency preparedness and response plan or radplan na siyang tututok sa  nuclear emergencies gaya nito.

“The radplan establishes an organized emergency response capability for timely coordinated action of Philippine authorities in a peacetime radiological incident or emergency,” paliwanag pa ni Ramos.

Ayon kay DOST  Secretary Mario Montejo ay wala pang peligro na magkakaroon ng leakage sa Japan dahil ang  nuclear reactor umano ng nito ay meron pang containment structure na siyang kokontrol sakaling magkaroon ng singaw.

Partikular na binabantayan ng mga awtoridad ang direksyon ng hangin dahil sakali umanong magkaroon ng radioactive plume ay kailangang tingnan kung saan ito pupunta.

Ligtas din inumin ang tubig sa Metro Manila dahil may mga safety features ang mga prosesong ginagamit.

Magkakaroon lamang umano ng problema dun sa mga tao sa kanayunan na kumukuha ng ginagamit na tubig sa ulan. Kaya kailangang sa mga artesian wells muna kumuha ng mga tubig inumin.

Napag alaman na sakaling magkaroon ng leak ay posibleng maraming tao ang tamaan ng thyroid cancer sanhi ng exposure sa potassium iodide na aatake sa thyroid gland. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply