Govt officials nakalimutang maglingkod sa bayan – CBCP

HINIMOK ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko, partikular na ang mga opisyal ng gobyerno, na magnilay-nilay at gumawa ng kabutihan sa kapwa sa panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), dumarami ng mahihirap dahil nakakalimutan na ng mga pulitiko ang kanilang tungkuling pagsilbihan ang taumbayan.

Binigyang-diin pa ng CBCP official na dapat malaman ng mga opisyal ng pamahalaan ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano ay ang pag-aalay ng sarili sa kapwa.

Ayon kay Iñiguez, malaking hamon para sa mga pulitiko na tularan ang Panginoong Hesukristo na nag-alay ng Kanyang buhay para sa sanlibutan.

Tulad ni Kristo, may magandang pagkakataon rin aniya ang mga government official para ialay ang kanilang mga sarili o panahon para tulungan ang kanilang kapwa. lalo na ang mga mahihirap.

“Sila’y mga Katoliko kaya’t dapat alamin nila kung ano ba talaga ang pagiging Kristiyano at iyon ang pag-aalay kapwa. Gaya ng ginawa ng ating Panginoon, inialay niya ang kanyang sarili para sa atin kaya tayo, bilang mga alagad niya, iyon din ang paanyaya Niya sa atin,” ani Iñiguez sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Pagkakataon din ito para pagnilayan ang kanilang mga ginawa. Ang mga batas ba na kanilang isinusulong ay kalooban ng Panginoon? Makikinabang ba dito ang marami o iilan lamang,”  ani Iniguez.

Ang Kuwaresma ay magsisimula tuwing Ash Wednesday na papatak bukas Marso 9. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply