Grade 6 tinarakan ng high school student

SINAKSAK ng isang 22-anyos na high school ang isang 14 na taong gulang na Grade 6 pupil sa Usmad Elementary School sa Argao, Cebu.

Nagtamo si Kirk Geverola, ng saksak sa likod nang undayan ng saksak ni Oliver Famero, 22, third year high school.

Ayon sa gurong si Merlina Alvaracin, nagtsi-check siya ng mga test papers nang mapansin niyang nakatayo sa labas ng kanilang kuwarto ang suspek.
Sinabi ng suspek sa teacher na hihingi lamang umano siya ng tawad sa nakaalitan nito na si Geverola.

Subalit nang makitang nakatalikod ang biktima, sinugod agad nito at inundayan ng saksak sa likod ngunit kaagad namang napigil ng guro ang mga sumunod na saksak.

Hinabol ang suspek ng mga kaklase ng biktima ngunit tumalon ito sa pader ng eskuwelahan.
Pagkaraan ng ilang minuto, sumuko rin ang suspek sa isang dating kagawad ng barangay Usmad.

Kaagad namang isinugod sa ospital ng Argao ang biktima at inilipat na sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at kasalukuyang nagpapagaling. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply