‘Grandmother of all rallies’ ng Simbahan sa Marso 25

ITINAKDA ng Simbahang Katoliko ang pagdaraos ng tinagurian nitong “grandmother of all rallies” sa Marso 25 sa pagpapalakas ng kampanya laban sa Reproductive Health (RH) bill.

Inaasahang si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at iba pang mga Obispo ng Simbahang Katoliko ang mangunguna sa rally na idaraos sa Quirino Grandstand sa Ermita, Manila sa nasabing petsa.

Umaasa naman ang simbahan na magagamit ang impluwensiya upang madagdagan ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga panganib ng birth control measure.

Mariin ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa RH bill dahil sa pagiging “anti-life” nito.

“Being the last country standing against the vicious attacks of power in connivance with lawmakers, we see the urgent need now to stop the attack by the proposed RH bill on our valued culture of life,” ayon kay Rosales.

“This orchestration instigated by those against life, local and foreign, has to be stopped. We shall all stand united against the assault on life and its values,” dagdag ni Rosales.

Nabatid na ito na ang ikalawang rally na isasagawa ng Manila Archdiocese ngayong taon, na isasabay sa Feast of the Annunciation, at tinagurian ding “Day of the Unborn Children.” Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply