Green sinandalan ng Celtics

SUMANDAL ang Boston Celtics sa kanilang bench player upang talunin ang Indiana Pacers, 92-80 at makisalo sa top spot ng Eastern Conference team standing sa malapit ng matapos na 2010-11 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nagbuslo si reserve Jeff Green ng 13 sa 19 points nito sa second quarter upang makalamang ang Boston, 74-60 papasok ng third canto.

Tabla sa tuktok ang Boston at Chicago Bulls na may 48-18 win-loss card kung saan pinaglalabanan ang home-court advantage para sa conference finals.

“I think they’re motivated every night, particularly after a tough loss,” wika ni Pacers coach Frank Vogel. “Chicago taking over the top spot in the East, (the Celtics) knew they needed this game and they brought their ‘A’ effort. It was too much for us.”

Umarangkada si Paul Pierce ng 20 puntos, limang assists at dalawang rebounds upang punuuan ang zero points ni Boston guard Rajon Rondo.

“I think the second unit collectively came in and gave a big spark,” sabi ni Green.

Ang dalawa sa “Big 3s” ng Boston na sina Ray Allen at Kevin Garnett ay nakapagtala ng 12 at 10 points ayon sa pagkakasunod.

Sina Paul George at Danny Granger ay may tig 15 puntos upang manguna sa scoring para sa Pacers.

Samantala, hindi umubra ang init ng Miami Heat sa Oklahoma City, Thunders matapos ang 85-96 talo habang nanaig naman ang Denver Nuggets sa Atlanta Hawks, 102-87. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply