Grupo nagbabala vs sadyang panununog sa mga komunidad ng maralitang lungsod

KASABAY ng paggunita ng Fire Prevention Month ngayong Marso, nagbabala ang grupong Kadamay sa mga komunidad ng maralitang lungsod sa posibleng pagdami ng insidente ng pasadyang pagsunog sa mga lugar ng maralitang lungsod.

“Sa maraming pagkakataon, hindi lingid na ang pagsunog ay ang pinakamabilis na pamamaraan ng pagpapalayas at pagdedemolis sa mga maralitang lungsod ang pagsunog sa kanilang tinitirahan lalo na ang tinatamaan ay ang mga lugar na kung saan may ipinapatupad ng mga proyektong [pangkaunlaran]”, ani Carlito Badion, Vice Chairman ng grupo.

Sa unang mga buwan pa lang ng 2011, kalakhan ng mga nasunog na kabahayan ay kumakaharap sa usapin sa demolisyon o iba pang problema sa paninirahan. Isa sa mga ito ang Botanical Area, Brgy. Central na sasaklawin ng proyektong Quezon City Central Business District. Matatandaang hinihinalang sadyang sinunog sa tatlong magkakahiwalay na insidente ang Sitio San Roque sa Brgy Bagong Pag-asa na pilit dinemolis noong Setyembre 2010

Ang ilan pa sa mga komunidad ay ang Botanical Area, Brgy. Central at Brgy. Bahay Toro ng Quezon City, Brgy. San Roque sa Navotas at Brgy. Talaba sa Bacoor.

Ayon pa kay Badion, “Hindi lang nito sinisikil ang karapatan sa paninirahan ng mga maralitang lungsod kundi inilalagay pa sa panganib ang aming buhay matupad lang ang kapritso ng mga malalaking negosyong dayuhan at lokal”

Hinamon din ng grupo ang gobyerno na imbestigahan ang mga insidente ng sunog sa mga nasabing maralitang komunidad. “Mismong mga residente na mismo ang nagsasabi na may foul play sa kalakhan ng mga nasunog na komunidad. Dapat agad na panagutin ang mga mapapatunayang maysala sa sadyang panununog”

Samantala, hinikayat ng grupo na maging mapagbantay ang mga naninirahan sa mga maralitang komunidad na humaharap sa laban ng demolisyon. “Pahigpitin natin ang ating pagkakaisa laban sa demolisyon. Itayo natin ang mga brigada kontra sunog at patatagin ang Barikadang Bayan”, sabi ni Badion.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply