Grupong tutugis sa killer ng PMA instructor binuo

FORT DEL PILAR, Baguio City – Kinondena ng mga opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) ang brutal na pagpatay sa isa sa mga instructor nito na papauwi na sa kanyang bahay sa Pinesville Subdivision, sa siyudad na ito noong gabi ng Huwebes, Marso 3.

Samantala, bumuo ng task force ang Baguio City Police Office upang matunton agad ang pinaniniwalaang hired killer na nagtumba kay Lt. Col Ferdinand Topacio Macasaep, 43, kabilang sa PMA Class 1989 at  miyembro ng Philippine Air Force (PAF).

Labis na ikinalungkot ng buong pamunuan ng PMA, maging ang mga kadete, sa pagpaslang sa kanilang kasama sa akademiya.

Isang malungkot na pagsalubong din umano ito sa mga magsisitapos na PMA Class 2011 sa gaganaping graduation rites sa Marso 11 na dadaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nabatid na si Macasaep, kasalukuyang pinuno ng Department of  Air Warfare, Tactics Group ng akademya, ay sakay ng kanyang Mitsubishi Montero na may plakang NHQ-513 at papauwi na sa kanyang bahay dakong alas-singko ng hapon ng Marso 3.

Nang palapit na ito sa gate ang kanyang bahay sa Block 16, Lot 6 ng nasabing subdivision ay isang di-pa-nakikilalang lalaki ang bumaril kay Macasaep.

Ayon sa mga saksi, ang armadong lalaki ay nakasuot ng bonnet, itim na sweatshirt, may taas na 5’7, medium built at nasa edad 40-50. Thommy Picaña

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply