GSIS Center, MOA, ilulubog ng malakas na lindol – Zubiri

ANG Government Service Insurance System (GSIS) Financial Center, kabilang na ang gusali ng Senado, ang unang lulubog sakaling magkaroon ng 7.2 magnitude na lindol sa Kamaynilaan.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, ito ay dahil nakatayo ang gusali sa isang reclamation area.

Sa pagtataya ni Zubiri, makakasamang lulubog ang lahat ng malalaking establisimyento sa reclamation area sa Pasay City, kabilang ang SM Mall of Asia, Cultural Center of the Philippines Complex at ilang bahagi ng Macapagal Blvd.

“’Yung mga gusali sa reclamation area, kasama na ang Senado, ang unang lulubog kapag tinamaan tayo ng malakas na lindol,” babala ng senador.

Dapat umanong ngayon pa lamang ay maghanda na ang Senado sa ganitong senaryo.

“Kapag tumama ang lindol na kasinglakas ng nangyari sa Japan nitong nakaraang Biyernes, ang gusali ng GSIS sa Pasay City, gayundin ang isang kilalang shopping mall malapit dito ang unang guguhong gusali sa Metro Manila,” giit pa ulit ni Zubiri.

Ibinabala ito ni Zubiri ilang araw matapos yanigin ng 8.9 magnitude earthquake ang ilang lungsod sa hilagang-silangan ng Japan na umabot sa mahigit 10,000 katao ang namatay.

Apat o tatlong taon na umano nang huling suriin ng mga eksperto ang kakayahang istruktural ng gusali ng Senado.

Hindi rin umano siniseryoso ng Senado ang pagsasagawa ng earthquake drill sa Mataas na Kapulungan dahil ang huling beses ay dalawa o tatlong taon na ang nakararaan.

Ani Zubiri, oras na upang magkaroon ng mga ganitong drill.

“Include the senators in this earthquake drill because we are not exempt from this devastation and disaster,”giit ni Zubiri.

Binigyang-diin ni Zubiri na kailangang maging handa ang Senado sa malakas na lindol, lalo pa’t binalaan na tayo sa isang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency noong 2004 na 40 porsiyento ng residential building at 35 porsyento ng public building sa Metro Manila ang masisira kapag yumanig ang 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.

Ayon pa rin sa nasbing pag-aaral, aabot sa 34,000 ang posibleng mamatay dito.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply