Guro, estudyante sa QC public school gustong masiguro ang kaligtasan

NANAWAGAN na ang mga guro at estudyante na nag-aaral sa pampubliko paaralan sa pamahalaan ng lunsod ng Quezon na malapit sa  fault line na mailipat na ang kanilang paaralan sa isang ligtas na lugar.

Bagama’t patuloy na naghahanap ng ligtas na lugar ang lokal na pamahalaan para sa Bagong Silangan High School, ang mga mag-aaral at faculty members nito ay nagnanais na tiyakin ang kaligtasan ng bagong pagtatayuan ng gusali

Ayon sa mga maestra, malaking aksaya lamang ng salapi at panahon ang gugugulin ng pamahalaan kung ang patatayuan ng bagong gusali ay malapit din sa fault line.

Sang-ayon din ang mga mag-aaral sa mungkahi ng lokal na pamahalaan na mailipat ang kanilang paaralan sa ligtas na lugar.

Batay sa report ng  Philippine Institute of Seismology and Volcanolgy (Phivolcs), ang paaralan ay malapit sa tinatawag na West Valley fault line.

Bunga nito, nagpahayag ng takot ang mga guro at estudyante makaraang matanggap ang impormasyon na ang kanilang paaralan ay maaaring lamunin ng lupa sakaling dumating ang malakas na lindol.

Ipinaliwang ng Philvolcs na ang paaralan ay malapit din sa San Mateo-Marikina River at lumalambot na ang lupang kinatitirikan ng gusali.

Bukod sa Bagong Silangan High School, ang Bagong Silangan Elementary School ay nakatayo rin malapit sa ibabaw  faultline.

Batay sa talaan umaabot sa mahigit na 7,000 mag-aaral ang gumagamit ng gusali na peligrosong madamay sakaling dumating ang sakuna. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply