Habambuhay hatol sa 2 pushers

HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang ipinataw ng Makati Regional Trial Court (RTC) sa dalawang lalaking napatunayang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos madakip may dalawang taon na ang nakararaan.

Bukod sa ipinataw na kaparusahan, inatasan din ni Makati RTC Judge Gina Bibat Palamos sina Nestor Torres at Carlos Santillan na magbayad ng  P.5 milyong piso bilang multa sa kanilang paglabag sa Dangerous Drug Law.

Pinatawan din ng hukom si Santillan ng karagdagang 15-taong pagkabilanggo at pagbabayad ng karagdagang multang P.4 milyon sanhi ng pagkakakumpiska sa kanya
ng higit pang dami ng shabu nang isagawa ang pagdakip.

Batay sa rekord ng korte, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng dalawa na napag-alamang kabilang sa listahan ng mga tinitiktikan ng Makati Anti-Drug Abuse Council.

Matapos ang ilang linggong pagtugaygay, isinagawa ang buy-bust operation ng pulisya laban sa dalawa noong Enero 29, 2009 sa kanto ng Limbo at Garcia St., matapos pagbentahan ng 0.25 gramo ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Bagama’t ikinaila ng dalawa ang akusasyon bilang depensa sa korte, higit na kinatigan ng hukuman ang matibay na ebidensiya ng tagausig matapos mai-preserba ang nakumpiskang droga sa mga akusado. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply