Hamilton di bilib sa Mclaren

BINANATAN ni dating F1 World Champion Lewis Hamilto ang kanyang gagamiting Mclaren MP4-26 sasakyang pangarera sa darating na F1 season.

Sinundan nito ang kritisismo ng kanyang team-mate na si Jenson Button na malayo umano ito na makuha ang nakatayang titulo ngayong taon.

“Do I believe I have a car to win the world championships at the moment? I don’t. No,” prangkang pahayag ni Hamilton.

“But that doesn’t mean it won’t become a world championship-winning car.”, dagdag pa niya.

Kahapon sinabi ni Button na ang McLaren ay hindi pa handa para tumbasan ang kakayanan ng mga sasakyan ng kanilang kalabang team ang Red Bull at Ferrari para sa season opening race nito. Ang Australian Grand Prix ay ang pinakaunang Grand Prix ng taon at gaganapin ito sa Marso 27, 2011.

Si Hamilton ay pumang-apat lamang at pumangalawa naman si Button sa kanilang time testing run sa Barcelona.

Pinatabi ng maaga ang kanilang mga pangarera matapos magkaroon ng problema sa exhaust at sa hydraulics nito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply