Hamon kay PNoy, solons: ‘Maging mga feminista’

KINALAMPAG ng isang kabataang kongresista si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at mga kapwa miyembro ng Kamara de Representantes na palusutin na ang pagsasabatas ng Reproductive Health and Responsible Parenthood bill.

“I urge my fellow government officials and lawmakers to be feminists,” sabi ni Kabataan Rep. Raymond Palatino nitong Miyerkules, Marso 9, ang pagsisimula ng deliberasyon sa kontrobersyal na panukala.

Inudyukan ni Palatino ang administrasyong Aquino, kaalinsabay ng ika-100 taong komemorasyon ng International Women’s Day, na magpatupad ng mga repormang kapaki-pakinabang sa mga kababaihan at hindi lamang “puro salita at walang gawa.”

“Being a true feminist today means dedicating one’s self to the painstaking challenge to ensure that women live humanely through democratized access to social and economic resources,” ayon sa mambabatas.

“These concrete measures also make it clear that the people’s overall struggle for genuine social change can only succeed if it has as one of the main element complete devotion to women emancipation,” ani Palatino.

Binigyang-diin pa ni Palatino na sa kabila ng bumubuting lagay ng mga kababaihan nitong mga nagdaang panahon ay obligasyon pa rin ng gobyerno na iangat ang buhay ng mayorya na nalulugmok sa kahirapan at pagsasamantala.

Tinatayang nasa 11 kababaihan ang nasasawi araw-araw dahil sa panganganak at katulad na isyu.

Ayon sa National Statistics Office (NSO), 47 milyon sa kabuuang bilang ng populasyon ng bansa na 94 na milyon ay binubuo ng kababaihan.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply