Hanging Amihan mula sa Japan walang radioactive–Pagasa

KAHIT umabot sa Pilipinas ang hangin mula sa Northern Japan ay hindi ito nagdadala ng nakamamatay na radioactive, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng Pagasa na sa hangin pa lang ay nilulusaw na ang posibleng radioactive bago pa umabot sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Pagasa na patuloy silang magpapalabas ng updates kung sakali mang may pagbabagong magaganap sa direksyon ng hangin.

Lumabas sa numerical simulations ng Pagasa na ang hangin na sumasabay sa Northeast monsoon na maaaring makaapekto sa Pilipinas ay magmumula sa Northern Japan,” pahayag ni Science Undersecretary Graciano Yumul Jr. e.

“Nonetheless, the winds which may carry any radioactive material from the Fukushima nuclear power plant will not affect any part of the country,” pagmamalaki ni Yumul.

“Aside from dilution of any possible radioactive material carried by the winds, a frontal system east of Japan associated with rainfall will cause its settlement,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng Pagasa na ang northeast monsoon sa northern hemisphere ay nananatili sa aktibong pagkilos pero ang lakas at epekto nito sa bansa ay unti-unting nababawasan.

Ilan sa mga senyales ng pagkakaroon ng acute radiation syndrome o radiation poisoning ay ang mga sumusunod: nausea, pagsusuka, lagnat, pagtatae, hairfall, dugo sa dumi at pagsusuka

Kaugnay nito, siniguro naman ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa publiko na may kakayahan silang malaman kung ang isang indibidwal ay nakontamina ng mataas na level ng radiation. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply