Haye-Klitschko tuloy sa Germany

PUMAYAG na rin sa wakas si WBA heavyweight champion David Haye na lumaban kay  IBF/WBO/IBO champion Wladimir Klitschko.

Ang dalawa ay maglalaban sa June 25 o kaya sa July 2 sa isang malaking venue sa Germany.

Nagkasundo na rin ang dalawa para sa world titles kung saan lumagda na sila pareho para sa pinakamalaking boxing event sa hanay ng heavyweight ngayong  2011.

“I always believed we’d one day fight and I’m glad we’ve cut through the nonsense and put together the most important fight in the heavyweight division,” pahayag ni Haye.

Nangako rin si Haye na pababagsakin niya ang mas malaki sa kanya na si Wladimir. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply