Heat palubog na, Lakers wagi vs Spur

TILA palubog ng ang Miami Heat makaraang maitala ang kanilang ikaapat na sunod na pagkabigo.

Tinalo ng Chicago Bulls ang Heat sa iskor ng 87-86 sa katatapos pa lamang na laro.

Tumapos si Derrick Rose ng Bulls ng 27 puntos samantalang nagbuslo naman ng 18 puntos si Luol Deng. Si Deng ang nagpanalo sa Chicago sa kanyang dalawang free throws 15.9 segundo na lang ang nalalabi sa laro.

“The Miami Heat are exactly what everyone wanted , losing games. The world is better now because the Heat is losing”, pahayag ni Dwayne Wade.

Unang tumaob ang Heat kontra New York Knicks 86-91, 96-96 laban sa Orlando Magic, 95-125 pabor naman sa San Antonio Spurs at itong pagkasilat nila sa Bulls.

Samantala, kung gaano kamalas ang Heat ganoon namang kaswerte ang
Lakers kung saan nakapagtala ang mga ito ng kanilang ika-pitong sunod na panalo simula ng matapos ang NBA All-Star weekend.

Nagawa ni kobe Bryant ang 26 na puntos, nagdagdag pa ng 21 puntos si Pau Gasol para sa 99-83 para ilubog ang San Antonio.

Hinuhulaan na ang dalawang koponan ang magkakalaban para sa Western Conference Finals. Hawak ngayon ng Spurs ang pinakamagandang record sa NBA. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply