Heat rumesbak sa Spurs

MIAMI – Nakarebanse ang Miami Heat sa San Antonio Spurs matapos ang 110-80, panalo ng una sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nagbawian lamang ang dalawang koponan-natalo ng 30 points ang Miami sa homecourt ng Spurs at ngayon sa homecourt ng Heat ay nanalo naman sila ng 30 puntos laban sa San Antonio.

Kumana ng 30 points, 12 rebounds at one assist si Heat forward Chris Bosh upang ilista ang 46-21 win-loss card at manatiling nasa third spot ng Eastern Conference.

“It’s huge for us, really, just getting even with this team,” masayang saad ni Bosh. “They beat us pretty good and I’m happy that we were able to respond by playing a complete game tonight. But at the same time, it is just one game.”

Yumuko ang Heat sa Spurs, 95-125 noong Marso 4 kaya naman pinilit nila Miami stars Dwyane Wade at LeBron James na mag-volt in upang manumbalik ang init ng koponan.

Nag-ambag si Wade ng 29 puntos, siyam na rebounds at apat na asists habang si James ay gumawa ng 21 pts. eight assists at six boards.

Natamo ng Spurs ang pinakamalaking tambak sa kanila sa regular season simula noong 2005 kung saan ay natalo sila sa Dallas Mavericks, 68-104.

Samantala, tabla na ang Boston Celtics at Chicago Bulls sa top spot ng Eastern Conference matapos matalo ang una sa New Jersey Nets, 79-88 habang umibabaw naman ang Los Angeles Lakers sa Orlando Magic, 97-84. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply