Heidi Mendoza swak bilang CoA Commissioner

IBIBIGAY ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang posisyon bilang Commission on Audit Commissioner kay dating state auditor Heidi Mendoza.

Ito ang ginawang pahayag ni PNoy na kasalukuyang nasa Singapore.

Ayon kay PNoy ang susunod na COA Chairman ay dapat isang abogado ayon sa nakasaad sa batas.

Hindi niya pa umano nakakausap ang dating ADB Executive para pormal na i-offer ang naturang trabaho.

“Pag balik nya, palagay ko, as a minimum, she will be a COA Commissioner. If she becomes a commissioner, then the COA chair has to be a lawyer as mandated by law,” pahayag ni Aquino.

Si Mendoza ay dating state auditor na naatasang mag-imbestiga sa AFP subalit nang balewalain ang kanyang mga findings ay napilitan itong umalis sa COA at namasukan bilang executive sa Asian Development Bank (ADB). Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply