Hepe ng Tanay, Rizal ipinasisibak

HINILING ng mga residente sa Tanay, Rizal sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang agarang pagsibak sa chief of police na si Supt. Felipe Abigan makaraang matakasan ng mga preso kamakalawa sa Tanay Municipal Jail.

Matatandaan na nakatakas ang tatlong preso na sina Roger Orillo, Ricky Buenaventura at Gilbert Rivera, alas-dos ng madaling araw nitong Marso 10.

Nakatakas ang tatlong preso sa pamamagitan ng pagtungkab ng bakal sa likuran ng kulungan.

At ang nasabing insidente ay maliwanag na dahil sa kapabayaan umano ng mga nagbabantay sa nasabing kulungan na sakop ni Abigan.

Dahil dito, nangangamba ang mga residente sa lugar na hindi sila ligtas sa pamumuno ni Abigan dahil maging sila ay natatakasan umano ng mga preso na may mga kasong kriminal.

Pinaiimbestigahan din ng mga residente sa lugar ang hepe ng Tanay, Rizal upang malaman kung may sabwatang nangyari sa insidente, gayong maraming pulis ang nakabantay sa nasabing kulungan.

Nauna nang natakasan ng limang preso ang nasabi ring kulungan noong Pebrero 28, taong kasalukuyan dahilan ng agarang pagsibak sa jail warden noon na si Supt. Amado Concepcion ni Jail Management and Penelogy Director Rosendo Dial. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply