Hindi inalok ng tagay nanaga

RIZAL—Tinaga ng 24-anyos na kapitbahay ang isang birthday celebrator matapos hindi alukin ng tagay habang dumadaan sa tapat ng bahay nito sa San Mateo, kaninang madaling-araw, Marso 10.

Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Carlito Briones ang suspek na si Michael Mirasol, ng North Libis, Doña Pepeng Subd., Brgy., Banaba, nasabing bayan.

Ginagamot pa sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima na si Christian Brosola, 21, kapitbahay ng suspek.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-una ng madaling-araw sa bahay ni Brosola kung saan masayang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Ilang saglit pa ay nagulat na lamang umano ang mga bisita ng biktima nang tadyakan ng suspek na may hawak na itak ang pintuan ni Brosola saka itinapon ang inumin at kanilang mga pulutan.

Hindi pa nakontento si Mirasol at tinaga pa ang biktima sa braso na agad ding naawat nang pagtulungang hawakan ng mga bisita ang suspek.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na sumama ang kanyang loob sa biktima nang hindi man lamang siya tinagayan ng biktima gayung ilang beses na siyang dumaraan sa harapan nila. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply