Hindi magsasagawa ng fire at earthquake drills, kulong

MAKUKULONG ng hanggang 6 na buwan at pagmumultahin ng P1,000 ang sinumang may-ari ng gusali sa lungsod ng Maynila na hindi magsasagawa ng fire at earthquake drill.

Dapat na magsagawa ng fire at earthquake drill ngayong Marso ang mga may-ari at administrador ng gusali upang magkaroon ng impormasyon at kamulatan ang mga empleyado, tenants at  paaralan sakaling dumating ang kalamidad.

Napapaloob sa pinagtibay na Ordinance No. 7753 ng konseho ng Maynila noong Hulyo 26, 1991, inaatasan ang mga may-ari, managers at administrator ng mga matataas na gusali na magsagawa ng earthquake at fire drill dalawang beses sa loob ng isang taon.

Sa nasabing ordinansa ay nakasaad din na dapat lamang na isagawa ang fire at earthquake drill dahil nakasalalay ang kaligtasan dito ng bawat mamamayan.

Sinabi naman ni City Building Official Engr. Melvin Balagot na tamang magsagawa ng  mga drill sa bansa, lalo pa’t dinanas ng isang maunlad na bansang tulad ng Japan ang lindol at tsunami.

Ang paghahanda ay higit na makakatulong sa anumang kalamidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply