Hindi pa rin tag-init — Pagasa

KAHIT nararanasan na ang maalinsangang panahon noong mga nakaraang araw, hindi pa idinedeklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tag-init sa bansa.

Ayon pa sa Pagasa, ang hangin galing northeasterly at easterly ay magdudulot pa rin ng malamig na gabi.

“Sa ngayon di natin masasabi. Malakas pa ang northeasterly natin kaya malamig pa ang simoy ng hangin sa gabi at madaling araw. Ang easterlies malakas sa eastern sections ng bansa kaya meron pa tayong pag-ulan,” ayon sa panayam sa dzBB ni Pagasa forecaster Connie Dadivas.

Ayon pa sa Pagasa, ang tail-end ng cold front ay mararanasan sa Northern at Eastern Luzon at ang hangin nito ay makaaapekto sa Mindanao.

“Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Eastern Mindanao which may trigger flashfloods and landslides,” ayon naman sa 5 a.m. bulletin ng Pagasa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply